Make your own free website on Tripod.com
Blog Tools
Edit your Blog
Build a Blog
RSS Feed
View Profile
« June 2012 »
S M T W T F S
1 2
3 4 5 6 7 8 9
10 11 12 13 14 15 16
17 18 19 20 21 22 23
24 25 26 27 28 29 30
You are not logged in. Log in
Entries by Topic
All topics  «
just bear in mind...
Tuesday, 25 April 2006
gradweyt na bunso namin... master na sya!!!



Nag-uumapaw ang kaligayahan sa aking puso sa sandaling ito... Sa wakas, naka-gradweyt na rin sa masteral ang bunso namin!!!

Ang araw ng kanyang pagtatapos, Abril 24, 2006, ay nagbalik ng maraming ala-ala sa akin.Habang binabagtas namin ang daan patungo sa Grand Palazzo Royale, Angeles City kung saan gaganaping angCommencement Excises ng University of the Philippines (Pampanga and Olongpo Extension), tila isang malaking screen ang aking isipan...

Naalala ko ang graduation nya nung college sa T. del Rosario College. Malungkot ang buong pamilya noon dahil bago pa lang namin nalaman na may breast cancer pala ang aming ina. Batid naming lahat na gustong saksihan ni Mommy ang graduation ng kanyang bunso subalit sya noon ay nasa yugto pa na di matanggap ang kanyang kalagayan at ayaw makiharap sa maraming tao. Alam ko rin kung gaano ka gusto ni Ritchie na si Mommy ang makasama noon pero di nga pwede.

Pero natitiyak ko na kahapon, kasama namin sya. Nasaksihan ng aming ina kung paano nagsikap ang kanyang bunso... alam nya kung ilang gabi siyang nagpuyat upang makapag-review; ilang beses siyang inumaga sa pagbabasa; ilang araw sya nag-absent sa Pag-ibig upang makapag-aral ng leksyon; paano siya nagtipid upang may ipamasahe twing sabado papunta ng Subic; gaano sya nagtiis na huwag gumala para makaipon ng pang tuition; gaano sya nalungkot nang nalaman nyang may probelema sya sa pangalan kaya't nanganib sya na baka di maka-gradweyt; at paano sya nahirapan na iayos ito dahil sa kanyang napaka-habang pangalan na Mel Racardios Ferdinand Richard. Alam ko na masayang-masaya si Mommy dahil nagbunga na ang pagsisikhay ng kayang pinaka-mamahal na bunso!!!

Nang nasa graduation na kami, naisip ko, sana nandun din si Daddy, si Ricky, si Ging, si Gelo, si Cha-cha, si Ate Myrna at lahat ng kamag-anak namin para mas masaya... para maraming papalakpak sa kanya!!! (Kaya lang nagtitipid kami,e, kaya kaming dalawa na lang) Pero sabi ko sa sarili ko, kahit akong mag-isa lang, papalakpak ako!!! Pero nagulat ako... kasi di meron namang ibang pumalakpak... at di lang 'yon! May umugong na halakhakan sa bulwagang iyon nang narinig nila ang pangalan ng kapatid ko!!! (kaya nga lalo syang nagnanais na tulad ni Kim Sam Soon, papalitan ang kanyang pangalan!)

At pagkatapos ng programa, walang humpay ang picturan!!! E ano kung kaming dalawa lang ang nandun?!!! Nakapa-picture-taking pa rin kaming magkasama!!! Kami pa!!!

Tapos na ang graduation pero masayang-masaya pa rin ako... Bukod sa tagumpay ng kapatid ko, napatunayan kong di pala ako kayang pabayaan ng dalawang kaibigan kong si Joy at Elo... Salamat sa kanila, di kami nahirapan...

Ngayon, ang dami kong "sana" para sa bunso namin...
sana maging regular na siya sa Pag-ibig... sana rin tumaas na ang sweldo nya... sana kung di sya mare-regular sa Pag-ibig, makahanap sya ng trabahong mas naaakma sa kanyang mga talento..at syempre mas malaki ang suweldo!!! sana lagi siyang maging masaya... sana rin matupad kung ano ang mga plano nya sa buhay...

Pero syempre higit sa lahat, sana kung ano ang plano ni Lord sa kanya, iyon ang mangyari... kasi ang lahat ng ito ay dahil sa Kanya at para sa Kanya...

Yehey!!! Gradweyt na si Chard!!! Hanggang sa susunod na graduation...


Posted by marelenfe at 9:01 AM
Updated: Tuesday, 25 April 2006 9:23 AM
Post Comment | Permalink
Monday, 17 April 2006
what's in a "blog name"?



I never thought that thinking of a name for my blog would be that easy…
Honestly, I do not know if it’s good or it’s appropriate for what I would be writing…

“Just bear in mind” because this blog would be an access to my mind- my thoughts, reflections, aspirations, desires, frustrations, feelings and emotions – anything!

“Just bear in mind” simply because I love bears…’Coz like them, I’m huggable and… lovable!!!

“Just bear in mind” to immortalize my three bears… the biggest which I bought in Malaysia and the pair of little bears wearing the Radin Mas Primary School uniform, which I bought in Singapore.

Posted by marelenfe at 8:20 PM
Post Comment | Permalink
who would bother to read this???
Mood:  chillin'
I have always wanted to write...

I do not know when it started. All I know is that, though I am not that good in writing, I wanted to be a writer.

I tried, but not very hard. 'Coz, now, I am a teacher instead of a writer. Well, at least, there's still a connection. I am teaching my students to write. And hopefully one or a few of them would be able to achieve what I haven't.

Yet, most of the time, this dream of being a writer still haunts me. Until now, a voice within me keeps on telling me, it's never too late.

So, now, through this, I'm attempting to do what I should have done years ago..

But the question is.. who would bother to read this?

Hmm.. I guess, it doesn't matter that much.. I can read my writings again and again and again. Only then I can tell myself, at least, I tried!

Posted by marelenfe at 7:29 PM
Post Comment | Permalink

Newer | Latest | Older